Dalawang beses na pagbuga ng abo ang naitala kahapon sa Mt. Bulusan sa Sorsogon.

Ayon sa volcano bulletin ng Philippine ­Institute of Volcanology and Seismology ­(PHIVOLCS), naitala ang magkasunod na pagsabog ng bulkan bandang alas-3:31 at alas-3:39 ng hapon noong Linggo.

Umabot ng 2.5 kilometro ang taas ng ibinugang abo ng bulkan kung saan tumagal ito ng 15-minuto at ayon sa PHIVOLCS ay naapektuhan ang bayan ng Irosin at Juban.

Nagkaroon din ng pyroclastic flow sa bunga­nga ng bulkan kung saan umabot ng 2-kilometo ang umagos na lava.

Batay sa seismic monitoring network ng ­PHIVOLCS, nagtala rin ng 33 volcanic earthquakes sa paligid ng bulkan sa buong magdamag.