Mt. Bulusan niyanig pero walang dapat ipangamba

Pinawi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang pangamba ng mga residente sa magkakasunod na walong pagyanig na naitala sa Mt. Bulusan sa Sorsogon sa loob ng 24 oras.

Ayon kay PHIVOLCS resident volcanologist Ed Laguerta, hindi dapat ika­bahala ng mga residente ang magkakasunod na pagyanig dahil mahihinang pagyanig lamang ito na dulot ng pagsingaw na sumira sa cap rocks sa ilalim ng vent ng bulkan.

Gayunman, sa 8:00 AM bulletin ng PHIVOLCS, nananatili pa rin sa Alert Level 1 ang bulkan kung saan sinabi Laguerta, posibleng dahil sa hydrothermal pressure ang mga naitalang pagyanig.

Kaugnay nito, pinaalalahanan pa rin ng PHIVOLCS ang publiko na iwasan ang pagpasok sa 4-kilometer radius permanent danger zone ng Mt. Bulusan.