Mt. Halcon hindi bulkan – Phivolcs

Walang dapat na ipangamba ang publiko sa balitang sasabog ang sinasabing Mt. Halcon na matatagpuan sa Oriental Mindoro.

Ito ay matapos igiit ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na hindi isang bulkan ang sinasabing Mt. Halcon.

Ang paglilinaw ay ginawa ng Phivolcs matapos na ring kumalat sa social media na kinakitaan ito ng usok sa taas ng bundok na indikasyon ng pagsabog nito.

“Reports of an alleged eruption at Mt. Halcon, the highest peak in the Central Mindoro Ranges, are circulating around social media with photos of an illuminated cloud, presumably emanating from the peak.We assure the public that Mt. Halcon is NOT A VOLCANO and will not erupt,”ayon sa Phivolcs.

Kasabay nito, sinabi ng Phivolcs na maging mapanuri sa mga nababasang artikulo sa social media at huwag agad maniwala. Mainam anila na magsagawa muna ng beripikasyon upang hindi magdulot ng takot sa mga tao. (Tina Mendoza)