Naglabas ang Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) ng tamang halaga ng pamasahe sa mga tricycle sa lungsod.
Pinaalalahanan ng MTPB ang mga commuter na huwag sumakay sa mga tricycle na nangongontrata o hindi sumusunod sa tinakdang pasahe.
Sabi pa ng ahensya, ang flat para sa tricycle at pedicab ay P20, may dagdag umanong P5 sa bawat kalahating kilometro.
Payo ng MTPB, kung maniningil ng mas mahal dito ang driver, maaaring kunin ang body number ng pampublikong sasakyan at pangalat ng driver nito bago i-report sa awtoridad.