tonite-imo-vinia-vivar
Humingi na si Coco Martin ng dispensa sa PNP Chief Director General Oscar Alba­yalde kung sa tingin nito ay nagbibigay ng hindi magandang impresyon ang “FPJ’s Ang Probinsyano” sa mga kapulisan.
“Siguro kasi lalo ngayon na tatlong taon nang mahigit na tumatakbo ang “Ang Probinsyano”, siyempre, bawat karakter, bawat kuwento, nag-iiba-iba.
“Nauunawan naman namin sila, nauunawaan namin ‘yung nararamdaman kaya ako mismo, humihingi ng paumanhin du’n sa nangyayari ngayon,” pahaya­g ni Coco nang makausap ng media.
Bago ito ay humingi na rin ng dispensa si Coco sa kanyang Instagram account at ipinost ang disclaimer ng FPJAP na ipinalalabas gabi-gabi kung saan ay nakasaad na kathang-isip lamang ang mga pangalan, karakter at insidente sa programa at hindi nagpapakita ng totoong tao, organisasyon, lugar o kaganapan.
Sa report naman ng TV Patrol last Thursday night, pa­tuloy raw ang pakikipagdayologo ng MTRCB (Movie and Television Classification Review Board) sa ABS-CBN at PNP Community Relations Group at nagsumite na ang network ng MOA (memorandum of agreement) at hinihintay na lang ang feedback mula sa PNP.
“MTRCB serves as a bridge between the constitutionally protected freedom of expression and the inherent power of the State to protect the public from offensive content,” ang paha­yag pa ng MTRCB.
***

‘Unfollow me. I won’t adjust for you’ Kris umalma sa basher

Ang payo ni Kris Bernal sa mga basher niya sa social media, “unfollow me. I won’t adjust for you.”
Nag-post ng mensahe sa kanyang Ins­tagram Story ang bida ng Asawa Ko, Karibal Ko patungkol sa kanyang mga bashe­r at sa mga mapanghusgang netizen.
“To those people who judge and criticize me harshly, you might want to start purifying your thoughts and clean­sing your own inner world.
“This is me. This my life. And you don’t even know how I live my life each and eve­ry day. You judge me as if you know everything? You judge me by what you only see on tv or the internet.
“God knows me best more than anyone of you. He is the only one who has all the right to pour criticism on me.
“So, unfollow me. I won’t adjust for you,” ang kabuuan ng mensahe ni Kris.
Hindi naman nilinaw ng aktres kung ano ang mga pangba-bash na nararanasan pero base sa mga nababasa naming komento ng mga netizen sa mga post niya, karamihan sa mga puna ay ang sobrang kapayatan niya. May mga nagpapayong magpataba raw siya nang kaunti dahil mas bagay sa kanya ang may kaun­ting laman.
Pero marami rin naman ang nagtatanggol kay Kris at nagsasabing “healthy” ang aktres dahil panay ang workout nito.
Samantala, sa latest IG story ni Kris kahapon ay makikitang may ice bag na nakapatong sa kanyang ulo at sa caption niya ay nakalagay na “sick.”
Pero kasunod nito ay nag-post siya ng script niya sa Karibal Ko Asawa Ko kung saan ay makikitang may 54 sequences siyang kailangang tapusin kahapon.
“Wow! Long day!!! Okay! Bye!” ang caption ni Kris na gumaganap na Rachel sa said afternoon series ng GMA-7 kasama si Rayver Cruz.