Mukha ng negosyante pinasabog

Alitan ng guwardiya, bisor tinapos sa bala

Isang negosyante ang binawian ng buhay nang barilin sa mukha ng isang nagkunwaring kostumer sa loob ng kanyang spare parts shop sa San Pablo City, Laguna kamakalawa.

Nasawi bago pa man idating sa ospital ang biktimang si Roy Bryan Dimatulac y Alvero, 28, residente ng Terrace Subdivision, Brgy. San Francisco, San Pablo City.

Sa imbestigasyon ng San Pablo City police, nasa loob ng kanyang RBD motorcycle parts and accessories shop ang biktima dakong alas-10:00 ng umaga nang dumating ang suspek na sakay ng motorsiklong Suzuki raider.

Tumingin-tingin muna ito sa mga tindang spart parts ng motorsiklo subalit nang lumapit ang walang kamalay-malay na biktima ay bigla na lamang itong nagbunot ng baril at ipinutok sa mukha ng biktima.

Pagdaka’y kaswal lamang na lumabas ng tindahan ang suspek na sumakay sa kanyang motorsiklo.