Multa binawi ng WNBA

NEW YORK (AP) — Kumambiyo big­la ang WNBA, binawi ang multang ipinataw sa teams at players na nagsuot ng black warmup shirts bago at sa kasagsagan ng laro bilang supporta sa mga sibil­yan at pulis na biktima ng pamamaril.

Sinabi ni WNBA president Lisa Borders na binabawi na ng liga ang penalties sa Indiana Fever, New York Liberty, Phoenix Mercury at players ng mga ito. Unang kinastigo ng WNBA ang players at teams na nagsuot ng kinukuwestiyong shirts dahil labag daw sa uniform rules ng liga.

Isinuot ng players ang black shirts kasunod ng mga pamamaril sa Minnesota at Baton Rouge, Louisiana.

Bawat team ay pinagmulta ng $5,000, at $500 sa players dahil base sa WNBA rules, hindi puwedeng baguhin ang uniforms. Normal na multa sa uniform violations ay $200.