Multi-talented ang bida natin sa blind item na ito — actress, singer, host, dancer.
Ang daming talent and credential, ‘di ba?

Tunay na alagad ng sining.
Dagdagan pa natin ang description sa ating bida…. Plastikada!

Nakailang lipat na siya ng TV station pero hindi tumatatak ang namesung niya.
Supladita kasi siya.

Nakagawa na siya ng ilang pelikula. Halos lahat, 2nd or 3rd lead siya. Support lang ang beauty niya.

Pero kung makaasta, parang siya ang bida sa pelikula!
Madalas, late! Kahit sa mga mall show, primadonna cruz si sikat-sikatan.

One day, isang araw… isang event ang dadaluhan niya. Siempre, nagpa-late na naman siya.
Nasa 19th floor ang venue, kaya ride siya ng elevator.

Punuan ang elevator. May mga taga-office, fans at dalawang baguhang artista.

Si ate, WAH kibo! Nakatingin lang sa umiilaw na mga #.

Ang mga faney, kilig-kiligan at nagbubulungan. Feel nilang magpa-picture kay ate.
Eh dedma nga si ate.

Moment of silence ang peg niya.
Eto na … Open Sesame ang elevator… May TV crew!

Agad-agad, napakatamis ng ngiti ni ate at tawa nang tawa, masayang-masaya.

Na-shock ang ga kasabay niya na binati nyang lahat at picture-picture nang walang humpay.
Pati ‘yung dalawang ­baguhan, chinika ni ate.

Kaway! Smile! Chika! ­Selfie! Yakap ang pinaggagawa niya.
O, ‘di ba?!

Ang bait-bait niya? Hindi ­siya Orocan, ‘di ba?!
Sumagot kayo!!!

***

HINDI pa ganoon kasikat ang teen actress, pero pinaghintay ng hitad ang fans niya dahil sa TV.

Galing si teen actress sa loob ng isang Sikat na Bahay. Pretty naman siya talaga at maraming talent.

Back-to-back ang TV guestings niya mula umaga hanggang gabi. May out of town shows pa siya kaya hindi nababakante ang kanyang beauty.

Sa isang mall show sa Mega Manila, aba naman! Siya ang finale, in fairview!
Eh kasi naman, ang mga kasama niya sa mall show, mga DA HUUUUU!!!

Super-hintay ang fans niya (may fans talaga!!!), bitbit ang mga banner, pictures, strea­mers at tarpaulins.

Sige! Tili, hiyaw, sigaw, palakpak at parang cheerleaders na naglulundagan ang hindi magkamayaw na mga fanchita alba!

Ang host, walang hum­pay ang pagbibigay ng mga premyo sa fans na naghihintay.

Ang hindi alam ng fans, ang kanilang idol ay nasa administration office ng mall at nanonood ng paborito niyang TV show.

Pinagsabihan si teen star ng kanyang road manager at aleli na unahin ang mall show bago manood ng TV.

Ang gay host ng programa sa mall show ay minamalat na, pawis na pawis, namamaga na ang tonsil sa kasisigaw at kahihiyaw.

Si feeling sikat na teen star, wah care!
Tinapos talaga ni teen starlet ang palabas sa TV.

Bago sumalang sa stage, nag-retouch.
Ang the height, may-I-go-out pa.

Pagsalang niya sa entablado… konti na lang ang mga utaw.

Si baklush na program host, in-intro nang mabilisan si teen starlet at inirapan, sabay bigay ng mic at fly na habang ang kaliwang kilay ay nasa 17th floor.