Multicab nahulog sa bangin: 2 todas, 11 sugatan

2 sundalo nilikida ng ASG, 2 bata nasapul

Dalawang katao ang namatay habang 11 iba pa ang sugatan nang mahulog sa bangin ang isang multicab sa Kalamansig, Sultan Kudarat noong Sabado.

Ayon sa Kalamansig Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), patungo ang mga biktima sa Balut Island, isang swimming resort sa Brgy. Paril, Kalamansig, nang mangyari ang sakuna pasado alas-dos nang hapon.

Kinilala ng MDRRMO ang mga nasawi na sina Jamil Guiampaca, 20, at Naif Etto, 7, kapwa nakatira sa Brgy. Bulalo, Sultan Kudarat, Maguindanao.
Isinugod naman sa district hospital ng Sultan Kudarat ang mga nasugatan pero inilipat din kalaunan sa Cotabato Regional and Medical Center.

Sa hiwalay na ulat, sinabi ni Victor Albaladejo, chairman ng kalapit na Brgy. Sta. Clara na kabilang sa mga naunang rumesponde sa aksidente, na isang kulay berdeng Town Ace na may plakang MAA 4365 ang sasakyan nasa 13 katao na karamihan ay mga estudyante.

Pababa umano sa highway ng Sitio Babancao, Brgy. Paril ang naaksidenteng sasakyan na minamaneho ni Sammy Alimao, 37-anyos, nang masira ang preno nito hanggang sa tuloy-tuloy na itong bumulusok sa bangin. (PNA)