‘Mummy’ ni Tom, taob kay WONDER WOMAN

Wonder Woman

WAGI pa rin sa takilya ng North America last weekend ang Wonder Woman.

Tinatayang naka-$57M ito mula Biyernes hanggang Linggo, kaya umabot na sa $205M ang domestic gross nito sa dalawang weekend.

Sa international market ay naka-$230M na ito, kaya bale $435 na ang worldwide gross nito. How wonderful!

Pumangalawa ang bagong bukas na The Mummy ni Tom Cruise.

Tinatayang $32.2M lamang ang opening weekend gross nito sa mga sinehan ng US at Canada.

Inalipusta ito ng mga kritiko.

Sa international market ay tinatayang naka-$141.8M agad ito – pina­kabonggang worldwide opening ni Tom Cruise.

Sa 63 territories ito nagbukas.

Sa China pa lang ay humigit-kumulang $52.2M agad ang hi­namig nito.

Umariba rin ito sa South Korea ($17.8M), Russia ($7.6M), Me­xico ($5.1M) at Brazil ($3.6M).

Opo! $174M ang global launch nito.