Isang araw bago gunitain ang Mother’s Day ay isang ina ang sinaksak.
Kinilala ang biktima na si Melissa Reyes, may kalive-in, taga-Sitio Casia , Barangay Linao sa bayan ng Daan Bantayan , Cebu.
Nabatid na sinaksak ng kapitbahay ang ginang habang nagpapaligo sa kanyang anak, bandang alas 7:10 ng umaga nitong Sabado , Mayo 9, 2020.
Nagtamo si Reyes ng sugat sa kanyang katawan matapos sakyurin ni Edelberto Condeno,52 anyos, may asawa.
Matapos sakaakin si Reyes ni Condeno ay nagsaksak din ito ng sarili.
Sa imbestigasyon ni Police Staff Sgt. Joseph Dela Cerna ng Daan Bantayan Police Station nabatid na si Condeno ay nakaupo sa terrace ng kanilang bahay at nakatingin sa mag-ina, habang si Reyes ay busy sa pagpaligo sa kanyang anak.
Wala umanong sabi-sabi ay bigla ito dumaan sa likuran at sinaksak ang biktima.
Kahit nagtamo nang lubhang sugat si Reyes ay nakaligtas ito matapos isugod sa ospital ng kanyang mga kamag-anak.
Ang suspek namang si Condeno ay umuwi sa kanilang bahay at nagsaksak ng dalawang beses sa sarili at binawian ng buhay.
Ayon sa asawa ni Condeno si Lucia kay Dela Cerna ay matagal ng may nervous breakdown.(Jessie Campos)