Muntinlupa ‘di bibigyan ng relief goods mga lalabag sa 24/7 curfew

Nagbanta ang pamahalaang lungsod ng Muntinlupa na hindi nito bibigyan ng relief goods ang mga taong lalabas ng kanilang mga tahanan hanggang Abril 12, 2020 habang naka lockdown ang Luzon.

Nagpasa ng ordinansa ang Muntinlupa na nagsasailalim sa 24/7 curfew sa lungsod na ibig sabihin ay bawal lumabas ng bahay sa buong araw.

Ayon sa Muntinlupa Ordinance No. 2020-074 na pinasa nitong March 20, 2020, hindi sapat ang 8:00 am hanggang 5:00 pm curfew para mahikayat ang mga taong manatili sa kanilang mga tahanan.

Bawal lumabas ng bahay ang lahat maliban na lang sa mga exempted, tulad ng mga bibili ng pagkain o gamot at iba pang supplies.

Tinawag ng Muntinlupa na `24-Hour COVICD Curfew ang ordinance.

Ang parusa para sa first offense ay ang pagtatala sa kanilang pangalan sa barangay blotter at ang pagkukuha ng kanilang picture. Walang nakalagay na parusa para sa 2nd or third offense. Sa last offense ay binalaan ng Muntinlupa city government na maari na nitong pagkaitan ng relief goods sa buong panahon ng lockdown period ang mga lalabag sa ordinansa. (Eileen Mencias)