Nilinaw ni Unite­d States (US) Presiden­t Barack Obama na hind­i niya pinersona­l o dinibdib ang mga pinakawalang batikos sa kanya ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte.

Ang pahayag ay ginawa ni Obama sa pagharap sa mga mamamahayag sa huling araw ng ASEAN Summit sa Vientiane, Laos kahapon.

Sa nasabi ring pagharap sa media ay inamin ni Obama na nagkaharap sila ni Duterte at nagkamusta­han bago ang gala dinner sa holding room ng mga lider ng iba’t ibang bansa.

“I did shake hands with President Duterte last night. It was not a long interaction, and what I indicated to him is that my team should be meeting with his and determine how we can move forward on a whole range of issues,” bahagi ng pahayag ni Obama sa isinagawang press confe­rence sa Laos matapos ang ASEAN Summit.

Sinabi pa ni Obama na sanay na siya sa mga batikos at sa uri ng panana­litang kagaya ni Duterte.

“As I said, when I was asked about this in China­, I don’t take these comments personally because it seems as if it’s a phrase he’s used repeatedly, including directed to the Pope and others­. And so I think it seems to be just a habit, a way of speaking for him,” dagdag pa ni Obama.

Kasabay nito ay sinabi ni Obama na handa ang US na magtrabaho at makipagtulungan sa Pilipina­s para tuldukan ang narco-traffickers.

“But as I said in Chin­a, we want to partner with the Philippines on the particular issue of narco-traffickers, which is a serious problem in the Philippines. It’s a serious problem in United States and around the world,” ayon pa kay Obama.

Gayunpaman, binigyang diin din ng US pre­sident na ang kanilang magiging pagkilos ay naaa­yon sa internationa­l norms at rules of law, maging ito man ay sa kanilang laban sa tero­rismo o sa mga drug traffickers.

“It is important, from our perspective, to make sure that we do it the right way because the consequences of when you do it the wrong ways is innocent people get hurt,” ani Obama.

Matatandaang bago umalis patungong Laos ay binatikos ni Duterte si Obama at ang Amerik­a dahil umano sa pakikialam sa usapin ng extra judicial killings sa bansa.

3 Responses