Team Standings W L
Ginebra 7 1
Magnolia 6 1
Alaska 5 1
Phoenix 6 2
Blackwater 6 2
NLEX 4 4
TNT Katropa 4 4
San Miguel 2 4
Meralco 1 5
NorthPort 1 6
Rain or Shine 0 4
Columbian Dyip 0 8

Mga laro ngayon: (MOA Arena)
4:30 pm – NorthPort vs. Meralco
7 pm – SMB vs. Phoenix

Nagkagulo sa dugout ng Phoenix sa Cuneta Astrodome Miyerkoles ng gabi.

Masayang kaguluhan, dobleng selebrasyon: Birthday ni coach Louie Alas, nakumpleto pa ng Fuel Masters ang 26-point win laban sa NLEX para sumampa sa 6-2 card sa PBA Governors Cup.

Pagkatapos regaluhan ng players ng 123-97 win, dumiretso si Alas sa press room para sa post-game interview.

“Hindi namin pinag-uusapan na birthday ko,” ani Alas. “Siguro, pagdating ko sa dugout. Mabuti may dala akong extra shirt.”
Pagpasok ng coach sa dugout, hindi na siya nakaiwas nang buhusan ng mineral water ng players.

May cake pa para sa kanyang 53rd birthday, pinahipan muna sa kanya ang kandila.
Maya-maya, nakatawa si Alas na puno ng cake ang mukha. Isang araw lang nagpahinga ang Fuel Masters, nag-ensayo pa kahapon.

Balik sila sa MOA Arena mamaya para harapin sa main game ang inaalat na San Miguel Beer.

Hindi inasahan ni Alas na matatambakan nila ang Road Warriors. Inasahan niya ang ma­tinding fight-back mula sa 106-92 loss sa Ginebra noong Oct. 5.

Ganun din ang tantiya niya sa Beermen na sa kabila ng monster game ng bagong import na si Kevin Murphy ay tumikim ng back-to-back losses, huli ang 127-119 pagtukod sa Alaska sa Antipolo noong Sabado.

Nakatengga sa 2-4 ang SMB. Kontra Aces, nagsumite si Murphy ng 45 points at 11 rebounds.

Ang counterpart niya sa Phoenix na si Eugene Phelps, dambuhalang 51 points at 21 rebounds ang nilista laban sa NLEX.