‘Muscleman’ Vic Manuel itatapat sa Vietnam

‘Muscleman’ Vic Manuel itatapat sa Vietnam

Sinulit agad ni Vic ­Manuel ang first outing niya bilang miyembro ng National team, nambarako ng 14 points mula 7 of 9 shooting at may 4 rebounds pa sa loob lang ng higit 10 minutes na playing time na binigay sa kanya ni coach Tim Cone.

“Well, he’s the Muscle­man and I don’t wanna embarrass him,” ani Cone tapos ilampaso ng Gilas ­Pilipinas ang Singapore 110-58 sa umpisa ng kampanya sa SEA Games men’s basketball Miyerkoles ng gabi sa napunong MOA Arena.

“He displayed that ­tonight.”
Mapapakinabangan hirit ni Cone ng Gilas ang versatility ni Manuel sa ganitong level ng kompetisyon.

“That’s the thing we were looking for. He showed that tonight,” dagdag ng two-time PBA grand slam coach.

Para ngang ‘di pinawisan si Manuel pagpasok ng interview room kasama ni Cone. ‘Di halatang may ipinagpag siyang ­Singaporean ­defender sa fourth quarter habang nagpupuwestuhan sa ilalim.

“Para madala natin ‘yan sa mga next games pa natin,” nakangiting pahayag ni Manuel. “Kasi marami pa tayong pagdaraanan na games.”

Balik sa MOA Arena ang Gilas mamayang alas-otso nang gabi para harapin naman ang Vietnam na tambakan din ang unang panalo, 131-52 laban sa Myanmar. (VE)