Panibagong museum ang binuksan sa publiko.
Kasabay ng pagdiriwang ngayong Mayo ng National Heritage Month ng bansa ay inilunsad din ang Museo de Intramuros.
Kahapon ay opisyal nang binuksan sa publiko nang libre ang nasabing museo.
Naka-display sa museum ang mga mahahalagang bagay ukol sa sining ng kasaysayan ng isang bansa. Open ito simula Martes hanggang Biyernes ng alas-9:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.
Silbing-tahanan ng period art collections ng Intramuros Administration (IA) ang 3-storey na museum. Ang IA ay isang attached agency ng Department of Tourism na nakatutok sa restorasyon, development and promotion ng makasaysayang “walled city of Intramuros.”
Kabilang sa art collections ang mga ecclesiastical art, furniture, vestments, at iba pang mga artifacts.
“This collection of the Intramuros Administration is extremely valuable because it represents the first real attempt to collect and preserve within the Philippines an important aspect of the country’s cultural heritage,” ani co-curator Esperanza Gatbonton sa kaniyang 1981 book Philippine Religious Imagery. (AE)