Ang Marikina River Park ang itinuturing na pinakamalinis na ilog sa Pilipinas. Ito’y dahil na rin sa maraming gantimpalang natanggap nito sa palinisan ng ilog. Katunayan, nagsisilbi rin ito bilang camping site, picnic at recreational park.
***
Matatagpuan din sa Marikina River ang iba pang atraksyon at pasyalan para sa mga lokal at dayuhang turista katulad ng Roman Garden, Chinese Pagoda, Kawaya­nan, Animal Trail, Skating Rink at Women’s Park. Dito rin ginagawa ang Marikina Christmas Festival na nagsisimula tuwing Oktubre kada taon.
***
Dahil nakilala bilang pagawaan ng mga sapatos na tinawag pang Marikina Shoes, nagpatayo din ang lungsod ng Shoe Museum kung saan matatagpuan ang may 800 pares ng mga sapatos, tsinelas at bota ni dating Unang Ginang Imelda Marcos. Sa museo na ito makikita ang pinakamaraming pares ng sapatos sa buong mundo.
***
May Evolution Park din ang Marikina na matataguan sa Barangay Marikina Heights. Dito makikita ang 18 replika ng mga baka. At ang botanical garden para sa iba’t ibang uri ng mga paru-paro na tinawag nilang “World of Butterflies”.
***
Sa Malabon ­naman makikita ang ilan sa pina­kamatatandang ­bahay sa Pilipinas. Itinuturing na makasaysayan ang mga ito dahil ipinatayo sila noon pang panahon ng ating mga ninuno.
***
Ang Bahay Raymundo ang itinuturing na pinakamatandang bahay sa ­Malabon. Matatagpuan ito sa Cayetano Arellano St.
***
Sa Malabon din ginawa ang pahayagang La Independencia. Ang diyar­yong ito ay isinulat sa wikang Kastila at Tagalog.