Museum para sa sports legends

Upang hindi makalimot ang mga Filipino sa karangalang ibinigay ng sports legends tulad nina boxing icon at Sen. Manny Pacquiao at Rio Olympics silver medalist Hidilyn Diaz, hinikayat ni Sen. Juan Edgardo Angara ang Philippine Sports Commission (PSC) na magtayo ng sports museum.

Sa pagdinig ng Senate committee on sports na pinamumunuan ni Sen. Pacquiao, ipinaliwanag ni Angara ang kahalagahan ng pagtatayo ng sports museum dahil maeengganyo rito ang mga kabataan na tularan ang mga tulad nina Pacquiao at Diaz.

Ayon sa senador, kailangang humulma ang Pilipinas ng mga batang atleta na papalit sa tulad nina Pacquiao at Diaz kapag nagretiro na sila at isa sa magandang panimula ay ang pagtatayo ng sports museum upang maging inspirasyon ang sports leĀ­gends sa bagong henerasyon.

Bukas naman ang PSC sa suhestiyon ng senador.