tonite-this-is-it-roldan-castro
Limang taon pagkatapos ang bagyong Yolanda, pito sa mga nakaligtas dito ang nagkuwento kung paano nila tinulungang bumangon ang kani-kanilang komunidad sa isang music video na inilabas ng ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation, Inc. (ALKFI).
Sa Facebook ipinost ng ALKFI ang ­music video, tampok ang awiting ­“Pagkat Nariyan Ka” ng Star Music artist na si Sam Mangubat, noong Nobyembre 8, ang anibersaryo ng pananalasa ng bagyong Yolanda.
Samantala, matutuwa naman ang mga fan ng dating “Tawag ng Tanghalan” finalist at Star Music artist na si Sam dahil ilulunsad ang music video. Ito ay para sa pag-alala sa anibersaryo ng bagyo at ang kabayanihan at pagtutulungang ipinamalas ng mga Pilipino.
Dito nagkuwento ang mga survivor na naging bahagi ng iba’t ibang programang nakatulong upang makabangon ang kanilang mga kababayan mula sa trahedya.
Si Imelda Padrigano ng Eastern Samar, nagtayo ng bakery para mabigyan ng trabaho ang mga kababayan niya, samantalang ang 70-taong gulang na si Fidelina Villagracia ng Sta. Rita, Samar ay pa­tuloy sa pagsisilbing tour guide sa kanilang lugar. Si Rotchie Castil ng Sabang, Daguitan naman, pinag-aralan ang social media para mapasikat ang kanilang bayan, at si Imelda Eusebio ng Dagami, Leyte ay tumutulong sa pagkakaroon ng tubig sa kanilang komunidad.
Ang midwife na si Fe Bantique ng Jiabong, Samar, tatlong oras naglalakad papunta at pauwi ng trabaho bago nakapagpagawa ng mga health center sa malalayong barangay. Si Susan Austero naman ay isa sa mga nagbenepisyo sa educational programs. Samantalang si Susan Cadaro naman ay isang evacuee na nag-volunteer para maglingkod sa kapwa evacuee.
Nilahad ng pitong Yolanda survivor ang kanilang mga kuwentong may dalang pag-asa at inspirasyon sa video, kung saan ipinakita rin ang mga nagawa ng ALKFI sa pamamagitan ng Operation Sagip (da­ting Sagip Kapamilya) upang tulungan ang mga nasalanta ng Yolanda.
Ayon sa ALKFI, aabot sa 3.6 milyong survivor ang nabigyan ng agarang relief assistance; 425 katao ang nagbenepisyo sa mga ipinagawang water facility sa Dagami, Leyte at 9,994 na mga pamilya ang nakinabang sa building Barangay Health Units at health facilities sa Jiabong at Hinabangan sa Samar, Jaro at San Miguel sa Leyte.
Nagkaisa rin ang Operation Sagip at Energy Development Corporation sa pagtayo ng multi-purpose classrooms na maaa­ring gami­ting evacuation centers tuwing may kalamidad. Gamit ang libreng disenyo at serbisyong ibinigay ng Cosculluela Architects, Casas Architects at Sy^2 Engineers, 135 classrooms na hindi matitibag ng malalakas na hangin at paglindol ang ginawa sa Palawan, Leyte, Iloilo, at Samar. Samantala, 52,246 na mag-aaral at 1,946 na mga guro rin ang natuto sa mga educational soft program at senior high equipment mula sa ALKFI.
Apat pang proyekto ang ilulunsad ng ABS-CBN Lingkod Kapamilya na magbebenepisyo sa mahigit 24,000 na tao. Ito ang mga multi-purpose na gusaling kakayanin ang bagyo at kalamidad na itatayo sa Ormoc; Tacloban, Leyte; Guiuan, Eastern Samar; at Concepcion, Iloilo.
Ang lahat ng ito ay pinondohan ng mahigit P1 bilyong donasyong nakalap mula sa iba’t ibang kompanya, organisasyon at indibiduwal pagkahupa ng bagyong Yolanda.
Heto ang link sa buong video: https://youtu.be/Dnhq9xXPb8Y. Para sa iba pang impormasyon, pumunta sa www.abs-cbnfoundation.com o i-like ang @abscbnfoundationkapamilya sa Facebook.
Maagang Pamasko nina Carmina, Legaspi twins
May maaagang Christmas treat sina Carmina Villarroel at ang kambal niyang sina Mavy at Cassy Legaspi ngayong Sabado ng umaga sa  “Sarap Di Ba?”  ng GMA-7. Mapapanood ito bago ang “Eat Bulaga.”
Makikisaya sina Mark Herras at Donita Nose. Naghanda ng ­“Bottled Tuyo” si Donita samantalang si Mark ay kung paano magbalot ng Christmas gift. Ituturo rin niya sa kambal ang kanyang signature moves samantalang hosting skills naman ang hinamon niya sa ­Legaspi family.
Si Wilma Doesnt ay may “Tipid Tips”  sa kuryente ngayong ­Christmas season.

 

Carla, The Primadonna birthday show
Espesyal na kaganapan ang matutunghayan ngayong gabi  sa White Bird para sa Mr. White Bird Preliminary.
Actually, ­kaabang-abang ang event na ito dahil ka-back-to-back nito ang Carla, The Primadonna-A Birthday Celebration.
Magaganap ang naturang event ngayong November 24, 2018, sa ganap na 9:30 ng gabi. Kaya hindi dapat palagpasin ang pinaka-aabangang event para sa two-in-one treat ng White Bird Entertainment Bar na matatagpuan sa Roxas Boulevard, malapit sa Baclaran Church. Para sa ibang detalye, tumawag sa tumawag sa 851-2088-89, 0927-907-4623.