HAVEY: 80th birthday kahapon ng Asia’s Queen of Songs Miss Pilita Corrales.
Walang major celebration kundi lunch lang sa Shangri-La kasama ng kanyang pamilya.
Malaking achievement na ang umabot ng 80 na healthy at active pa rin sa industriya, ha?!
Ang hihintayin natin ay ang 80th birthday concert niya sa The Theater Solaire sa November 10.
Ang huli niyang major show ay sa 1,740 seater na The Theater Solaire noong isang taon pa na mala-Evening With Pilita type na show.
Present pa rin ang kanyang signature liyad at giling-ala-Pilita, pero sayang lang at hindi nakahabol sa birthday na ito ang inaayos na musicale based on her life and love.
I’m sure, napaka-interesting at makulay noon.
Sa lahat ng achievement niya mula nang magtamo siya ng mga awards at makilala hindi lang dito kundi maging sa ibang bansa, deserving si Tita Pilita sa isang musicale ala Katy.
Pati ang kanyang colorful lovelife from the dad of Jackie Lou Blanco at Eddie Gutierrez to a string of others, pati na ang sinapit niya kay Amado del Paraguay hanggang sa mapunta siya sa mapayapa at tahimik na lovelife, magandang sariwain ulit ito sa isang dula.
Isang icon si Tita Pilita at pagkatapos niyang malampasan ang isang matinding dagok ng tadhana sa kanya — ang pagka-Ondoy ng bahay niya sa Rolling Hills sa New Manila kung saan naanod ng baha ang kanyang treasured areglos, awards and memorabilia — tulungan natin siyang bumuo pa ng magagandang alaala.