Muslim at Lumad channel ilulunsad

Kasunod ng inilunsad na 50 first days documentary at tabloid ng Palasyo ay kaabang-abang din ang paglulunsad ng kauna-unahang Muslim TV program at Lumad channel sa bansa.

Ang naturang proyekto ay pangangasiwaan ng Presidential Communications Operation Office (PCOO) at ayon kay Sec. Martin Andanar, mahalaga ito para malaman ng mga kababayan ang mga ginagawa ng Pangulo.

“Importeng malaman ng publiko ang mga balitang may kinalaman sa mga ginagawa ng administrasyon para pagandahin ang buhay ng bawat Filipino at mga programang ipinatutupad ng administrasyon,” ani Andanar.

Ikinakasa na ang pagpapalabas ng kauna-unahang Muslim TV program sa bansa na tatawaging Salaam TV at magkakaroon ng kauna-unahang Lumad channel.

Inaasahan na ito ay magsisilbing daan upang maipaabot ng ating mga kababayan ang kanilang hinaing sa Pangulo.