Tiniyak ng mga Muslim leaders sa Quiapo kay Manila Mayor ­Joseph Estrada na tutulong ang mga ito sa pagbabantay sa Maynila.

Una nang iniutos ni Estrada sa Manila Police District (MPD) ang mas mahigpit pang pagbabantay sa Maynila kasunod ng krisis sa Marawi City.

Sinabi ni Grand Imam Solaiman Sarangani ng Quiapo Muslim community, dapat ay kumilos ang mga Muslim at mga Kristiyano sa pagsusulong ng kapayapaan hindi lang sa Maynila kundi sa buong bansa.

Sinabi ni Estrada na kailanman ay hindi niya pinagdudahan ang sinseridad ng mga “peace-loving Muslim people” sa lungsod.

“The city government welcomes the cooperation and support of our Muslim brothers and sisters. In times like this, we have to work together to fight extremism and violence,” ayon kay Estrada.

Nagpahayag din ng suporta ang Federation of Muslim Students Associa­tion (FMSA)-Manila sa Estrada administration sa pagsulong ng kapayapaan sa kabila ng nagaganap na kaguluhan sa Marawi at sa Mindanao.

3 Responses