Tinuhog ng Letran ang San Beda, 60-57, upang tanghaling bagong kampeon sa NCAA 15-under kiddies basketball kahapon sa Letran Gym.Sumalpak si John Rey Guevarra ng 16 points habang nagtala si Carl Abanico ng all-around game na 12 points, siyam na rebounds, limang assists at tatlong steals para sa Squires.
Kumayod din si Ray Allen Maglupay ng pitong puntos, 17 boards at tatlong assists para sa Letran, hinirang siyang Most Valuable Player.Nag-average si Maglupay ng 11.86 points, 10.5 rebounds, 3.67 assists, 3.17 steals at 1.33 blocks sa tournament.
Namuno sa opensa para sa Red Cubs si Nicael Cabanero na nangamada ng 14 markers, pitong rebounds at tig-dalawang assists at two steals habang tumipa sina Prince Alao at JE Lopez ng 12 at 10 puntos, ayon sa pagkakasunod.Tinapos ng Letran ang kampanya na walang talo sa walong salang.Naipakilala ang kiddies basketball sa liga noong 2014, 12-under at 14-under events at pagkatapos ay naging 15-under tournament.
Ang mg iskor:CSJL 60 – Guevarra 16, Abanico 12, Maglupay 7, Valenzona 5, Cruz 4, Palmes 4, Sanchez 4, Atiyeh 3, Tablizo 3, Ting 2.SBU 57 – Cabanero 14, Alao 12, Lopez 10, Victoria 5, Lledo 5, Ecciones 4, Ronquillo 3, Alcera 2, Cruz 2, Lacsamana 0, Pagkatipunan 0.
Elech Dawa