MWSS kinalampag: MWC parusahan sa water crisis

Naghain ng reklamo nitong Lunes, Marso 25, ang Bagong Alyansang Makaba­yan (Bayan) sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) laban sa Manila Water Com­pany Inc.

Giit ng Bayan, dapat parusahan ng MWSS ang MWC dahil sa pagkabigo nitong bigyan ng ‘uninterrupted water service’ ang kanilang customer.

Sa 21 pahinang petisyon, binanggit ng Bayan na ang MWSS ay dapat umakto sa voluntary commitment ng Manila Water na magbigay ng relief sa mga apektadong customer noong panahon na nawalan sila ng supply ng tubig.

“Given the open, voluntary commitment of Manila Water, the MWSS, parti­cularly its chief regulator, cannot now say that it has no power to exact any form of restitution or compensation from Manila Water arising from the period of service interruption,” ayon sa petisyon.

“It should be no­ted that the Manila Water, facing intense public backlash, has conce­ded to provide some relief in the water bills of affected customers during the periods of service interruption,” dagdag pa ng grupo.