My Animal Café experience in Bangkok!!!

Sawasdee Kha, mga PETmalu:

Andito po ako nga­yon sa Bangkok, Thailand, kung saan ko nadiskubre ang Animal Café! Hayop ang café na ito dahil sila’y may mga raccoon, skunk, opossum, serval cat, white-faced owl, fennec foxes, caracals, chinchillas at mga pusa!

Bagama’t hindi ako kumportable na ginagawang pet ang mga wild animals (mas mabuti kung sila ay nasa wild), naiintindihan ko na hindi maiiwasan ang curiosity ng tao sa mga wild animals. Pero kailangan ang curiosity natin ay kontrolado at hindi nagdudulot ng paghihirap sa mga ha­yop, ‘di ba mga animal lovers?

Para malaman ko kung ano ang kalagayan ng mga hayop sa Animal Café, at dahil curious din naman talaga ako, bumisita ako doon at ito ang aking mga impression:

Una, napaka-hygienic nila! Pagpasok ko sa café, sinabihan ako agad na maghugas ng kamay sa kanilang sink. Mayroon silang lemongrass ionizer para ma-neutralize ang amoy ng mga hayop. Bawal din magsuot ng sa­patos sa loob ng dalawang kuwarto ng mga hayop.

Pangalawa, marami silang mga patakaran. Bawal ang flash photography. Sa anumang oras, limi­tado sa 5-8 guests lang ang maaaring pumasok sa mga kuwarto ng mga hayop. Palaging may handler na nakabantay para siguradong ligtas ang lahat, tao at hayop. Pagkatapos ng 10 minuto sa loob, kaila­ngan mo nang lumabas. May breaktime rin ang mga hayop para mabawasan ang stress nila.

Pangatlo, kilalang-kilala ng mga handler ang bawat hayop sa café.

Ipinapaliwanag nila sa mga guest ang tamang paraan na pakikipag-interact sa mga alaga nila. Kaya lang, kahit ganu’n sila kahigpit, nakita ko na may kaunting stress pa rin ang mga hayop. Napansin ko rin na overweight ang raccoon at ang skunk. Kulang ng exercise!

Ito naman po ang aking review sa kanilang pagkain – Mayroon silang chicken wings, fries, burgers, pasta, designer drinks at artisan coffee.

May kamahalan nga lang ang mga entrée nila dahil ‘yan na rin ang entrance fee nila – isang pagkain/dessert at isang drink. Kung hindi ka naman kakain, ang entrance ay 200 Baht per head.

Tomyum spaghetti, soft-shell crab burger at iced coffee ang in-order namin ng asawa kong si Ron. Masarap at kakaibang lasa! 4 over 5 stars!

Kung bibiyahe kayo sa Bangkok at gusto niyong puntahan ang Animal Café, ito po ang mga detalye:

Address: The Animal Café, Sathu Pradit 19 Alley, Chong Nonsi, Yan Nawa, Bankok.

Hours: 11am – 9pm
Maaari kayong mag-Grab o mag-taxi.
Remember mga PETmalu: Let’s always respect wildlife!
Nagmamahal,
Joyce