Game 5 ngayon (Smart Araneta Coliseum)
7:00 p.m. — SMB vs. Ginebra

Inako ni Tim Cone ang pagkakamali kaya natambakan ang Ginebra sa San Miguel Beer 101-72 sa Game 4 ng PBA Governors Cup semifinals noong Linggo.

“I made a mistake early,” pag-amin ni Cone pagkatapos itabla ng Beermen ang best-of-five series sa tigalawang laro.

“I tried to conserve our guys and played zone to start the basketball game and they got five or six shots in a row right off the bat against the zone and that kind of got them going. We never had an answer from the opening bell.”

Pero kailangang itapon na ni Cone ang aniya ay nagawang “bad decision” at bumalangkas ng game plan sa deciding Game 5 ng series mamaya sa Smart Araneta Coliseum.

Kapag nakalusot, babalik sa finals ang Gin Kings, bagay na hindi nagawa ng crowd darlings sapul pa noong 2013 Commissioner’s Cup championship nang yumuko sa Alaska.

Hu­ling nagtaas ng titulo ang Ginebra noon pang 2008 Fiesta Conference, dumating si Cone sa team bago ang season.

Pero kung Beermen ang mananaig, maihahatid ni Leo Austria ang koponan sa pang-apat na finals sa anim na confe­rences niya sa team. Magkakaroon pa ng tsansa ang SMB na idepensa ang koronang sinikwat kontra Aces via sweep.

Inaasahan na rin ni Austria ang pukpukang decider: “I’m expecting a tough Game 5. Everybody wants to win.