HAVEY: Sa party ng ABS-CBN e­xecutive na si Deo Endrinal sa Salvatore C­uomo sa Uptown Parade sa Taguig noong weekend, meron dalawang tao na naging tampulan ng tukso at pambubuska.

Nope, hindi po sina Juday at Piolo, kahit nagsama na sila sa ibang mga okasyon.
Nakapag-move on na sila sa kani-kanyang buhay.

Nope, hindi rin si Direk Erick Salud na tinutukso at tinatawag na Mrs. Pineda.

Siya pala ang nag-suggest na kunin si Enzo bilang bagong ka-loveteam ni JC Santos sa Till I Met You.

Nope, hindi rin sina Iza Calzado at Bing Loyzaga na parang Ate at Tita na ni Daniel P­adilla na ang guwapo raw talaga noong gabing iyun.

Hindi akalain ng lahat na may kakaibang chemistry sa party sina Raymart Santiago at Mylene Dizon!

Solid ang tuksuhan na nagsimula sa pabirong pormal na pagpapakilala ni Deo kay Raymart (na kasama ang kapatid na ABS-CBN Business Unit Head na si R­eilly o ang tawag namin ay Kuya Junjun) kay M­ylene (na isang consistent Dreamscape artist na nasa long running Doble Kara).

Wala sigurong balakid sakaling magkagustuhan ang da­lawa na hiwalay na pareho sa kani-kanyang partner – si M­ylene kay Paolo Paraiso, at si Raymart kay Claudine Barretto.
Pero hindi ko lang sigu­rado kung ayos na ang mga legalidad nito.

Kaya lang, may Jason Webb pala na boyfriend si M­y­lene ngayon na katulad niyang separado.

Isang kakatwang kantiyaw kay Mylene noong gabing iyun ay isang Claudine ulit ang makakatapat niya sakaling maging sila ni Raymart.

Ibang kumplikasyon iyun lalo pa’t magkaibigan din sina Mylene at Clau Clau.

Ang biggest punchline ay Claudine din pala ang pangalan ng ex-wife ni Jason — si Claudine Trillo na dating w­eather girl at host ng morning shows ng Channel 2 bago mag TV5.

Napagwagian na ni Mylene ang isang Claudine Trillo. Uubra kaya si M­ylene kay Clau Clau B­arretto?

***

WALEY: Naganap kahapon ang launch ng bagong season ng Cash Cab Philippines ni Ryan A­goncillo.

Magsisimula ang airing nito bukas nang gabi sa AXN.

Nasabi na ni Ryan na itong Cash Cab ang pinakamahirap niyang franchise hosting dahil sa pagmumulti-tasking.

“Hindi biro ang mag-host, kumalikot ng effects, mag-entertain ng pasahero, mag-compute ng premyo at mag-drive at the same time.

“Any moment, baka magkamali ng tapak sa pedal o mali ng kambyo, puwedeng madisgrasya,” sabi ni Ryan.

Sa pagmamaneho sa Cash Cab, naaawa si Ryan sa taxi drivers, particularly ‘yung freelance drivers na hindi taga-Uber at Grab, dahil lumiliit ang market nila.

“In fairness, mahirap talagang ma­ging taxi driver, ha? Lalo na sa sobrang teribleng traffic dito sa Metro Manila.

“Kaya nga ako nagmo-motor na lang papunta sa trabaho,” sabi ng ating Manong Driver na si Ryan.

***

For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoelferrer.