Myrtle kanselado ang concert

NI: ASTER A. AMOYO

Dahil sa coronavirus pandemic sa buong mundo, minabuti ng celebrity lawyer na si Atty. Ferdie Topacio na iurong ang prodyus na concert ni Myrtle Sarrosa . Hindi na ito matutuloy sa darating na May 8.

Gagawin na lang ito sa August 22 sa Teatrino, Greenhills, San Juan City.

Bukod sa concert, ang Borracho Productions din ang producer ng pelikulang “26 Hours Escape from Mamasapano” na kasali si Myrtle.

Dahil sa lockdown, pansamantalang natigil ang pre-production at casting ng nasabing pmovie. Pero lumulutang ang pangalan ni Arjo Atayde bilang lead role.