AYAW nang pag-usapan ni Myrtle Sarrosa ang kanyang ex-boyfie na si Brian Poe Llamanzares.

Katwiran ni Myrtle, may sari-sarili na silang buhay ni Brian. Ayaw rin kasi niya na tuwing iniinterbyu siya ng press ay si Brian na lang palagi ang topic.

Ang sabi ng 21-anyos na Kapamilya star sa press launch niya kahapon bilang bagong celebrity endorser ng Sisters Sanitary Napkins, wala pa siyang bagong lovelife.

Wala pa siyang nakikitang guy na kasundo niya nang husto at meron silang chemistry.
Naka-move on na siya kay Brian.

Ang binata ni Senator Grace Poe-Llamanzares ang inspirasyon niya sa sinulat niyang song na Heartbroken.
Dayalog namin kay Myrtle, tume-Taylor Swift pala siya na nagawan ng kanta ang ex-boyfriend.

Ang totoo ay okey sila ni Brian. Nang magka-issue ito bago mag-eleksyon ay parang nag-consult pa ito kay Myrtle, pero ayaw nang idetalye pa ‘yon ng dalagang Ilongga.

At least, friends sila.

Kinabahan si Myrtle nang siya ang kunin ng Sisters na bagong endorser kapalit ni Maja Salvador.

May pressure sa kanya, pero pinaliwanag sa kanya ng MegaSoft na ang bagong campaign kasi is to inspire people lalo na students and also to promote education.

Napagsabay ni Myrtle ang showbiz at studies. Kumukuha siya ng Broadcasting course sa UP Diliman kung saan scholar siya at running for cum laude.

Gusto ni Myrtle na maging news reporter o behind the scenes sa production. Ang dami niyang natutunan nang makasama niya noon sa Umagang Kayganda si Bernadette.

Taong 2012 nang tanghaling grand winner ang cosplayer na si Myrtle sa PBB Teen Edition 4.
Happy siya dahil hindi niya in-expect na from Iloilo ay mapupunta siya sa mundo ng showbiz.

Pangarap ni Myrtle na mapansin ang mga kanta niya at makilala siya bilang singer at TV host.

Mga estudyante ang focus ng latest Sisters campaign na ‘School is Cool.’

Kasama rin ni Myrtle bilang newest brand ambassadors ng Sisters Sanitary Napkins na ang apat na Hotlegs dancers na sina Nesh, Labb, Cath at Alex.