LOVELESS pa rin si Myrtle Sarrosa matapos silang mag-break ng binata ni Senator Grace Poe na si Brian Poe Llamanzares.
Sey ng 22-anyos na Kapamilya star sa contract renewal niya kahapon with Sister Sanitary Napkins, wala pa siyang bagong karelasyon pero marami ang kumakatok sa pinto niya.
Meron siyang ine-entertain na guys, pero non-showbiz.
“Ngayon, masaya naman ang puso ko,” nakangiting bulalas ni Myrtle.
Natatawang nilinaw ng dalaga na hindi naging sila ni Yves Flores, na nakasama niya 5 years ago sa PBB Teen Edition 4 kung saan si Myrtle ang big winner.
Nasa ligawan stage lang sila before ni Yves, na hindi natuloy.
Hindi rin naging sila ng isa pa niyang former housemate sa Bahay ni Kuya na si Kit Thompson.
Dating member si Myrtle ng girl group na Star Magic Angels na sexy ang image at pangkontrabida roles.
Ani Myrtle, kahit wala na ‘yung grupo ay nag-e-exude pa rin siya ng sexiness dahil puwedeng maging matalino and sexy at the same time.
“Kasi, ‘yung sexiness naman, it does not equate lang to the image eh, but also how you feel in the inside and how you exude that in the outside.
“For sexiness, you can also show intelligence, na meron kang advocacy at passion para sa ibang tao at ‘yun ang gusto naming ipakita rito sa Sisters,” sambit ng dalagang tubong-Iloilo at graduate ng UP Diliman.
Hindi lang basta nakapagtapos sa UP si Myrtle kundi Cum Laude siya nang makuha niya ang kanyang degree in Broadcast Communications.
Hindi niya na-imagine na gagradweyt siya with honors. Last year ay kinabahan siya na baka hindi siya maka-graduate.
Muntikan na siyang ma-disquality sa pagiging honor dahil sa kanyang absences bilang may work siya sa showbiz.
Mabuti at nagkaroon ng exemption ang UP para sa working students na katulad niya, so gumradweyt siyang Cum Laude.
5 years na mula nang manalo si Myrtle sa PBB Teens, pero hindi pa siya nabibigyan ng launching project.
Sey ng morenang dalaga, dati ay nagtatanong siya kung bakit hindi kasimbilis ng sa iba ang takbo ng career niya.
Na-realize niyang iba-ibang paths ang tinatahak nila. Iba ang kay Kim Chiu at sa iba pa.
Alam niya na kung para sa kanya at may proper timing ay darating at darating ‘yon.
Muntik na siyang magbida noon sa ABS-CBN, pero hindi natuloy. Baka raw may ibang plano si God para sa kanya.
“Siguro, pinapahinog lang ako o naghihintay lang talaga ng proper timing,” very positibe na pakli ni Myrtle, na katatapos lang sa La Luna Sangre bilang female vampire at may dalawang movies na ginagawa sa Regal Films.
Ang sipag mag-ikot ni Myrtle sa iba’t ibang public schools around the country para magbigay ng recognition sa outstanding students at mag-talk tungkol sa menstrual hygiene management awareness sa tulong ng Sisters Sanitary Napkins na gawa ng Megasoft Hygienic Products.