Myrtle, na-challenge bilang BAMPIRA

ANG pagkakaalam namin, si Sylvia Sanchez ang ipapakilala bukas na may special participation sa fantaseryeng La Luna Sangre.

Hindi lang alam kung tuluy-tuloy na siya.

Ang isa sa nag-enjoy nang husto sa guesting niya sa La Luna Sangre ay si Myrtle Sarrosa na gumanap bilang isa sa mga bampirang alagad ni Sandrino (Richard Gutierrez).

Napaka-challenging daw ng mga eksenang ipinagawa sa kanya.

Nakuwento pa niyang inulit ang mabigat na eksenang kinunan sa kanya dahil bilang bampira, hindi dapat siya umiiyak.

Kaya ni-retake ang isang mabigat na eksenang kasama si Richard.

Wish sana ni Myrtle na makabalik pa siya sa naturang serye.

Medyo nagtagal-tagal din siya roon, pero kailangan na rin siyang tapusin dahil meron pa siyang commitment sa ine-endorse niyang Sisters ng Megasoft Hygienic Products.

Sa September 16 ay nasa Cebu si Myrtle kasama ang grupo ng Megasoft Hygienic Products para puntahan ang warehouse nito sa Mandaue City.

Pagkatapos nito ay tutuloy siya sa Meet and Greet sa Gaisano Grand Dumanjug Activity Center, at magkakaroon din ng mall show sa Gaisano Moalboal Activity Center.