Myrtle nagpa-indak sa National Sisters Day

Pinangunahan ng Sisters Sanitary Napkins and Pantyliners celebrity endorser na si Myrtle Sarrosa ang matagumpay na pagdiriwang ng National Sisters Day sa Starmall Alabang nitong nakaraang Linggo. Umawit, sumayaw at pinamangha ang madla sa kanyang nakakaindak na performance.

Kasama niyang nagpasaya ang mga Megasoft ambassadors na sina Ryle Santiago at Young JV Kapunan. Nagtanghal din ang gold medalist ng World Championship of the Performing Arts (WCOPA) na si Aljun Cayawan.

Nagdiwang ang mga fan sa stage hindi lang dahil sa papremyo kundi nagkaroon sila ng tiyansang maka-bonding ang mga celebrity sa mga palaro.

Ang Sisters ay flagship product ng Megasoft Hygienic Products Inc. at patuloy na tinatangkilik ng publiko sa loob ng 19-na taon. Nakatanggap na ito ng iba’t ibang gantimpala katulad ng Best in Feminine Care Category, Most Outstanding Sanitary Napkin Brand at Best Brand Performance, na iginawad ng mga prestihiyosong consumer organizations, marketing groups at retail companies sa buong bansa.

Bilang pasasalamat sa komunidad, ang “Megasoft’s School Is Cool” advocacy ay lumibot sa 70 paaralan sa bansa simula 2016. Nagbigay ito ng kasiyahan, tulong sa mga estud­yante at paaralan, at higit sa lahat ay ang paghikayat sa kabataan na abutin ang kanilang pangarap.

Nagbigay rin ito ng suporta sa mga movie premieres, album launches, concerts at fan meet katulad ng Star Cinema blockbuster movie na “Hello, Love, Goodbye” at ang upcoming film “Block Z”.

Ibinahagi ng Megasoft VP for sales and marketing na si Aileen Choi-Go, ang kanyang pasasalamat sa loyal followers ng Sisters.

Aniya, “Sisters Day is a treat to our sisters whose support has propelled the brand to greater heights. And we promise to reach our sisters in other distant parts of the country to make them feel that we are one, we are sisters. I am very grateful with their love for the brand. I love my sisters.”