NI: ROLDAN CASTRO
Nagpasalamat si Myrtle Sarrosa sa kanyang IG account dahil sa walang humpay na dedikasyong ibinibigay ng mga frontliner. Ito ay sa gitna ng krisis na kinakaharap natin ngayon.
Inupload niya ang video ng Department of Tourism (DOT) na “We Heal As One,” bilang pagsaludo sa mga healthcare personnel, military, food vendors, at iba pang mga manggagawa na nalalagay sa peligro ang buhay sa pagpasok pa rin araw-araw.
“Naiiyak ako while watching this video. Truly a salute to all the frontliners around the world who put their lives on the line to save others.”
Pinaalalahanan niya rin ang publiko na maging madasalin at mapagmahal sa kapwa.
Isa rin si Myrtle sa mga Kapuso artists na tumutulong sa mga frontliner sa ating bansa.
Samantala, naurong ang prodyus na concert ni Atty. Ferdinand Topacio para kay Myrtle dahil sa enhanced community quarantine. Nakatakda sana itong gawin sa May 8 sa Teatrino. Balitang itutuloy na lang ito sa Agosto.