tonite-this-is-it-roldan-castroKasalukuyang nasa Bangkok, Thailand ngayon ang Kapamilya actress na si Myrtle Sarrosa. Nakikipaglaban siya sa isang popular na pc at mobile game na PUBG (Player Unknown Battleground). Napunta siya sa competition na ito dahil mahilig talaga siya sa games.

Nagsimula kahapon hanggang November 3 ang labanang ito. Ang magwawagi ay may premyo na 9,400 USD.

Balitang mga top player at influencer sa Asia Pacific countries ang maglalaban-laban tulad ng South Korea, Japan, Vietnam, Malaysia, India, Indonesia, New Zealand, Australia, Singapore at Philippines. 20 teams ang magla­laban sa tournament.

Si Myrtle ang kauna-unahang artista na sasali sa ganitong paligsahan.

“I’m honestly really nervous and excited for the upcoming tournament. I really didn’t expect that from playing video games like PUBG for fun na I’m suddenly flying to Thailand to represent Team Philippines for an international gaming competition like the Omen Challenger Series,” deklara niya.

Sobrang magagaling daw ang mga kalaban niya pero sa kategorya ng mga amateur siya sasali.

Dagdag pa niya: “Not much people know this but gamer talaga ako. Kung papapiliin ako lumabas, ma-party o mag-stay sa bahay, mas gusto ko sa bahay na lang to play. Like after shooting or work, I spend most of my time playing PC games and mobile games and play hanggang may araw na,” deklara pa niya. Wish ni Myrtle na makilala ang Pilipinas sa gaming industry.

***

Pamilya Legaspi pinarangalan

Itinanghal na Pillar of Hope Awardees ng Eton International School ang Legaspi family. Iginagawad ang award na ito sa mga personality mula sa iba’t ibang sektor na nagsisilbi bilang purveyors of hope. Nagpasalamat naman ang kambal na sina Mavy at Cassy para sa honor na ito, “We humbly accept this award and maraming salamat po siyempre sa inyo ‘cause you chose us… on behalf of the Legaspi family, thank you again!”

Samantala, paniguradong aliw na naman ang episode ng Sarap, ‘Di Ba? ngayong Sabado sa Kapuso network. Usapang parenting in the digital age at mga millennial ang magaganap. Special guests sina Gelli De Belen, Candy Pangilinan, at Clash graduate na si Esterlina Olmedo. Talbog!

***.

Vin ‘di nagselos kina Rocco-Sophie

Walang kiyeme si Sophie Albert sa mga sexy scenes niya sa seryeng ‘Pamilya Roces’ ng GMA 7.

“As for sexy roles, I hope to be able to get the chance to do a varie­ty of different roles and to be able to explore what else I have to offer as an actress. My main goal is to be able to deliver a character and tell a story well. If I like the role and feel ko kaya ko and the story calls for it, willing naman ako,” bulalas niya.

Hindi naman daw nagseselos ang kanyang boyfriend na si Vin Abrenica sa maiinit na eksena nina Rocco Nacino at Sophie sa nasabing serye.

“No never. Vin is my number 1 supporter. He is always the one who pushes me and reminds me to always do my best. He knows rin naman na work is just work,” sambit niya.