Myrtle, natakot palitan si Maja

Myrtle Sarrosa

SA December na pala ga-gra­duate si Myrtle Sarrosa sa kursong Broadcast Communication sa UP Diliman.

Proud ang PBB winner na maaring mag-graduate siyang Cum Laude dahil na-maintain niyang maganda ang performance niya sa school kahit abala siya sa taping ng Super D at nag-iikot siya sa mga eskuwelahan para sa promo ng Sisters Sanitary Napkin and Pantyliners.

Ito ang dahilan kaya si Myrtle ang kinuhang bagong endorser ng Sisters Napkins and Pantyliners kapalit ni Maja Salvador.

Medyo natakot si Myrtle nang nalaman niyang si Maja ang papalitan niya.

Pero nang naipaliwanag sa kanya na kailangan siya sa bagong campaign ng naturang produkto na Sisters’ School is Cool, naintindihan niya.

“We want to promote education,” pakli ng Kapamilya young actress.

Ilang eskuwelahan ang naikot ni Myrtle kasama ang grupo ng Sisters ng Megasoft Hygenic Products.

Maja Salvador
Maja Salvador

Nagbigay sila ng re­cognition sa outstanding students ng school.

Ilan sa nabigyan nila ng Sisters’ Choice Awards ay Norala High School sa South Cotabato at sa Gingoog City Comprehensive School sa Misamis Oriental.

***

Nagkaisyu ang pagkakaroon ng branch ng Ka Tunying’s Café sa Timog Avenue, QC katapat ng GMA 7.

Naintriga tuloy na lilipat na ba ng Kapuso network si Ka Tunying?

Ang duda kasi namin sa ilang blind items na siya ang tinutukoy na lilipat ng istasyon pagkatapos ng kontrata nito.

Hanggang December na lang ang kontrata ni Ka Tunying sa ABS-CBN at ang latest na narinig namin, hindi na siya magre-renew.

Itinanggi ito ng pamosong radio/TV personality.

Ka Tunying at Rossel
Ka Tunying at Rossel

Ani Ka Tunying, “Ang ABS-CBN ay napaka-supportive naman sa career ko hanggang sa ngayon. Maganda naman ang pagtrato sa akin ng kumpanya.

“Wala naman kaming pag-uusap pa tungkol sa kontrata namin. Ang kagandahan lang kasi nga­yon, meron silang tiwala sa akin. I’m sure magiging matagal pa ang pagsasama namin.

“As to the proximity of Ka ­Tunying’s Café doon sa GMA 7, ­siguro, maganda lang talaga ‘yung ­puwesto at wala naman itong kinalaman sa aking career.”