Super iwas si Myrtle Sarrosa nang tanungin kung lilipat na ba siya sa Kapuso. Siya mismo ang tumapos ng interview nang uriratin sa blessing ng MegaOne Building na pag-aari ni Aileen Choi-Go ng Megasoft Hygienic Products Inc.

Bagama’t reliable ang aming source na nag-ober da bakod na siya, ayaw niyang magbigay ng detalye. May tamang panahon daw para magbigay ng formal announcement.

Gayunpaman, matunog din ang tsika na nakapasa ang aktres sa audition para makasama sa “Voltes V: Legacy Live Action” remake.

Nagpapasalamat naman si Myrtle dahil maganda ang pasok sa kanya ng 2020.

“Meron na pong three endorsements ngayong 2020 then two confirmed movies and sa TV? Sana po mas maraming TV projects this year, ‘yun po,” deklara niya.

Of course, isa si Myrtle sa mga celebrity ambassador ng Megasoft. Kasama niya sina Young JV at Ryle Santiago. Tuloy pa rin ang pag-iikot nila sa mga school para sa advocacy/campaign ng “Sisters’ School is Cool” ng Megasoft Sisters Sanitary Napkin. Umabot na raw sa 85 na eskuwelahan ang napasyalan nila. Sa naturang kampanya ay dini-discuss din ng grupo nila ang epekto ng premarital sex sa mga estudyante.

Dagdag nga ni Ms. Aileen, nagbibigay sila ng dagdag kaalaman sa mga mag-aaral ng tamang pag-aalaga sa sarili at pamilya, proper hygiene, pakikipagrelasyon. Hindi lang ito pagpo-promote ng product nila.

Samantala, dumalo rin sa blessing ng MegaOne (dating building ng PLDT sa España) sina Ryle, Young JV , Rep. Nina Taduran at Anthony Taberna.

Daiana lumalaban sa breast cancer

Hindi matatawaran ang kaseksihan ni Daiana Menezes sa mga post niya sa Instagram. Pero nakikibaka pala siya sa breast cancer mula pa nu’ng 2018.

Nagsimula lang daw ‘yun sa maliit na cyst sa kanyang kanang dibdib.

Ngayon ay stage 2B breast cancer na raw ito.

Pinapagamot naman daw niya ito pero tumanggi siyang magpa-chemo.

Dasal niya ay maka-survive siya sa kanyang sakit.