IMPRESSED ako sa bagong image mo­del ng Sisters Sanitary Napkin na si Myrtle Sarrosa.

Para siyang youngish version ni Tootsie Guevarra, inosenteng Gretc­hen Pulido at higit sa lahat, virginal version ng Reyna Splitera na si Mystica.

Pero mas kabogera ang candidate for cum laude na broadcast arts student mula sa UP nating mahal.

Kasi naman, sa outfit of the day niyang pink bustier dress kung saan super pushed ang kanyang bosom na malulusog, parang may sariling buhay ang kanyang boobies.

They defied gravity.

Sing and dance na kasi si Sarrosa, ayaw nilang gu­malaw, huh?!

Dalawa lang pala silang magkapatid. She has a kuya na, “He is very protective sa akin, kasi nga ako ang bunso. I never had a sister, so ang mga sisters ko, mga friends ko.

“My brother, he always checks up on me. Kinukamusta ako. May natural curiosity siya sa mga sui­tors ko.

“Siempre he does not want me to be emotionally hurt, which is understable of course.”

Super hectic ang schedule ni Mrytle. Tatlong araw ang binibigay niya para sa kanyang showbiz commitments. Iyung ibang araw, para sa pag-aaral niya.

“Kaya nga happy ako to be part of this campaign, kasi nga, it teaches teens and tweens na school is cool.

“Na importante talaga ang education. Personally, I make it a point na maayos ang sche­dules ko, na makakapasok ako regularly sa university.

“Gusto ko talaga ang broadcast arts and ang idol ko ay si Beyrnadette Sembrano,” pahayag ni Myrtle.

Aniya pa, “Even I do act on TV shows, my first love is singing and song writing. With music kasi, I am able to express my inner most feelings.

“Masarap sa pakiramdam na I can share my experien­ces sa mga songs and hopefully, the people who get to hear them, ma-inspire.”

Kinanta ni Myrtle ang kanyang song na Mr. Pakipot sa press payanig. Upbeat ito at ‘yung dating, parang ‘yung mga songs na ginagawa ni Nadine Lustre.

Ang kanyang hirit sa electric youth na huma­hanga sa kanya, “Do something meaningful with your lives. Use your time properly.

“Study well. Make your parents by being good, responsible young women and men.

“Let us do something concrete sa buhay ng ibang tao. Let us all be positive and realize our dreams.”