Mystica gustong ‘katayin’ si Jaya

Mystica gustong ‘katayin’ si Jaya

Nagpapaka-kontrobersyal na naman si Mystica.

After kasi nitong mapanood na ma-gong si Shirley Fuentes sa “Tawag ng Tanghalan Celebrity Champions” ng “It’s Showtime”, hinamon nito ang tinaguriang Queen of Soul na mag-showdown sila. Isa si Jaya sa mga punong hurado.

Matatandaang na-gong si Shirley dahil sa umano’y nasintunado siya at nalimutan ang ilang lyrics ng pamosong awitin ng Aegis.

Siya rin ang kauna-unahang celebrity contender na nakatikim ng malakas na gong sa nasabing noontime variety show.

Sey ni Mystica sa kanyang FB account: “Pwede akong sumali sa tawag ng tanghalan at kantahin din yung kinanta ni Shirley Fuentes na LUHA basta si JAYA ang kalaban ko. I DARE HER! Kung biritan din lang ng LUHA, siguradong paluluhain ko lang si JAYA! AKO ANG KAKATAY DIYAN! 😉 ~ MYSTICA.

“Sa kantang LUHA ang idine~dare kong kalabanin si JAYA… Hindi ang pagka~Queen of Soul niya! Patataubin at ilalampaso ko si Jaya sa kantang LUHA tulad nito:

“Wala raw akong career kaya i-risk kong ipa-GONG ang sarili ko sa TAWAG NG TANGHALAN! ANG TANONG, MAGKANO? SA HALAGANG BARYA-BARYA LANG TAPOS IPAKATAY KO ANG SARILI KO SA MGA JUDGES NA KAPWA KO RING CELEBRITIES? FOR WHAT? I DON’T NEED TO PROVE MY SINGING PROFESSION ANYMORE! TAMA NA YUNG ROCK DIVA AT SPLIT QUEEN NA AKO…! HINDI KO NA KELANGANG MAGING ‘GONG DIVA’ ANO!

“MAS KELANGAN NG LOLA NIYONG RUMAKET KESA MAGPA-GONG-GONG NA YAN!”

Tila dedma lang naman si Jaya sa hamon ni Mystica na sumalang sila pareho sa kumpetisyon. (Archie Liao)