CARRANGLAN, Nueva Ecija — Laksa-laksang langaw at masangsang na amoy ang nagturo sa naaagnas na bangkay ng isang barangay health worker kamakalawa ng umaga sa Brgy. General Luna rito.
Ayon sa ulat, kinilala ang biktima na si Renato Reyes, 50, binata at isang health worker sa barangay.
Tatlong araw na umanong hindi nagre-report sa barangay hall si Reyes kaya pinuntahan sa bahay at doon natuklasan ang nangangamoy at nilalangaw nitong katawan.
Humingi ng tulong sa Nueva Ecija Police Crime Laboratory Office ang barangay para sa kaukulang otopsiya sa biktimang solong namumuhay.