MALAKING alingasngas ang birong ‘na-ano lang’ ni Senador Tito Sotto na nangyari sa Commission on Appointment hearing ni Ms. Judy Taguiwalo.

Ang biro, kung saan nakakarinding makita at marinig na may tumawa pa talaga, ay nangyari sa AUGUST HALLS ng Senado.

Kaliwa at kanan ang birada kay Tito Sen.

Ilan sa mga ito, tinawag siyang misogynist. Tinawag ding ‘sexist’ ang senador.

May progressive portal na inilathala ang sampung hindi makakalimutang mga pahayag ng senador.

Karamihan, ibinalik ang isang multo ng kanyang nakalipas, kung saan dawit din sina Vic Sotto at Joey de Leon, ang alegasyon ng bold starlet na itago natin sa pangalang the late Pepsi Paloma.

Para matigil ang ratsada sa kanya, agad nagpaumanhin ang senador.

Sapat na ang televised apology niya sa mga nilalang na hindi sinasadyang masaktan, ang mga single mothers at yes oh yes, si Ms. Taguiwalo ay kasama sa hanay nila.

Hindi madali ang maging single mother. Hindi nila basta ibinigay na lang ang kanilang pagkababae sa mga lala­king minsan ay minahal nila.

Ang mga babae, la­ging may kasamang pagmamahal, romansa, at pagtitiwala sa kanyang minamahal bago ito makipagniig sa kasintahan.

Marami akong kaibigang naging single mother by choice. ‘Yung isa, apat ang anak, buong tapang na hiniwalayan ang abusado niyang asawa.

Physically at emotionally battered siya.

Alam niyang hindi emotionally healthy for her kids to ‘see’ her bruised and all.

Nu’ng punung-puno na siya, she packed her bags, kasama ang mga anak at iniwan ang asawang tulog at lango sa alak at droga.

Ngayon, graduate na ang panganay niya, at nag-aaral sa magagandang paaralan ang kanyang mga anak at ni isang kusing, hindi siya humi­ngi sa kanyang four-time sperm donor. She was able to cut the cycle of physical and emotional abuse. Ngayon, she is rich, successful, and a part-owner of a production and special events house.

Isa ko pang kaibigan, late twenties na nu’ng ibinigay ang dapat ibi­nigay.

Nu’ng mabuntis siya at manganak, ang kanyang lalaking minahal, gone with the wind.

Hindi nagparamdam. Ni hindi sinilip ang kanyang mag-ina sa hospital.

Ni hindi nag-abot ng kahit na singkong duling.

Ang kaibigan ko, kumayod, naghanap ng di­senteng pagkakakitaan. Mula sa pagiging simpleng sekretarya, na­ging company manager, at ngayon, freelance special events at production manager.

Ginapang niyang solo ang kanyang unico hijo hanggang sa magmamahal siyang muli.

Apat na taon na ang maligaya niyang relasyon sa isang lalaking tapat magmahal at suminta.

Ganyan ang single mother, Senador Sotto.

Hindi mo sila dapat ginagawang biro. At kataka-taka rin na a woman of Judy Taguiwalo’s stature pa ang ginawa mong butt of your joke.

Si Ms. Taguiwalo ay may PhD, Filipina social worker, social activist at educator.

Ang kanyang involvement dati sa communist party ang isa sa mga dahilan kaya may isa pang round of hearing bago i-confer sa kanya ang post na Department of Social Welfare and Development Secretary.

The seemingly good senator, your apology will never suffice. The harm has been done.

Hindi noontime variety program ang Senado. So unbecoming of a senador ang ‘na-ano’ hirit ninyo.

Please, don’t insult us further by telling that we don’t get the joke. Hindi po siya nakakatawa.

Hindi siya nakakatuwa.  Sa totoo lang, ito talaga ang nakakapagdabog ng bangs!

Pasalamat kayo at composed at tunay na edukado si Ms. Taguiwalo kaya mainam niyang pinaliwanag ang single motherhood status niya.

May tamang panahon at pagkakataon para sa lahat ng bagay. Hindi noontime variety show ang Senado.

Respeto naman. Kaunting dignidad, please.

13 Responses

  1. if single unwed moms are not shameful then let us encourage our women to have sex outside of marriage and raise their children alone. let us see how our society works. God is not capricious when he instituted marriage for raising the next generations with both their biological parents.

  2. Well Ms. Taguiwalo might thought that what Mr. Sotto did is misogyny, but still she cannot deny the fact that what he stated in the CA forum is true. Nasa kanya na lang iyan if he wants to accept it as something negative or what. I just hope she may not.

  3. I find his Na Ano statement a comic relief. He just saved the secretary from further embarrassment. I think it’s funny since the people in the CA laughed too. Laughter is the best medicine and at least some people got a dose of that.

  4. Maraming mga babae na may anak yan ang description ng kanila has sinapit. Anu Mali doon? Ginagamit ng iba. Hindi naman Bago yan. OA mga netizens.

  5. Ibang iba talaga tayong mga pilipino, masyadong mababaw ang pag iisip. lagi naman naririnig at di rin tayo bulag at nasasabi din ng mga taong nakaranas na nasasabi nila na Na-ano lang sila.
    Tayo lang yata sa Pinas na pinaghahalo ang politika, relihiyon at showbiz kaya magulo.

    1. Napakaogag mo talaga, moronic at row 4. Ang isyu rito si soto soto, wag ka mandamay ng iba dahil lumalabas na kampon ka pala ni soto soto. Haaaaay naku

    2. Oo nga…. may nabasa akong article, nagco comment si Vice Ganda against Tito Sen. Pag nagkataon, mas mashol pa yan kay Tito Sen

  6. Hindi naman tinanggap na mali ang ginawa niya, Joke daw na hindi naintindihan. Gusto niyang mag patawa at the expense of solo mothers. Wala ba siyang maisip na katatawanan na hindi tatapak sa pagkatao ng iba?