Para sa ilang senador, hindi na dapat pina­laki ang isyu ukol sa “na-ano lang” remark ni Senate Majority leader Vicente ‘Tito’ Sotto na kasiraan umano sa mga single mom.

Ito’y matapos na tuluyang nang sampahan ng reklamo sa ethics committee si Sotto ng grupo ng mga kababaihan.

Naniniwala sina Sens. JV Ejercito, Miguel Zubiri at Win Gatchalian na ang panghingi ng paumanhin at pag-amin ni Sotto sa kanyang pagkakamali ay sapat na upang patawarin ito at mag-move-on na sa naturang usapin.

Hindi na umano dapat na palakihin pa ang isyu tutal nagpakita naman ng pag-amin sa kanyang pagkakamali si Sotto.

Ngunit sa kabila nito, kinikilala rin naman ng mga senador ang karapatan ng grupo na isampa ang ethics complaint ­laban kay Sotto.

Sa ethics complaint, iginiit ng grupo na ang “na-ano lang” remark ni Sotto ay isa umanong pang-iinsulto sa mga single mom.

8 Responses

  1. alin ba ang mas magandang pakinggan.. ang NA ANO LANG or ang NAGPABUNTIS LANG.. ? wala itong halong insulto sa kanino man.. itoy tanong lang ng walang halong malisya..

  2. Sinasakyan ng mga putang inang mga trouble maker kaya humahaba ang bagay na walang kakwenta kwenta, Nagapologized na si Seantor Sotto panay hirt pa ring ng mga putang inang taga media.

    1. DAPAT LANG NA ITULOY ANG KASO KAY SOTTO, PARA MAGING MAINGAT AT MAGPADALOSDALOS MAGBITAW NG MASAGWANG SALITA, HINDI PANGKARANIWAN ANG KATUNGKULAN NILA NA KAPAG NABISTO, IKAKATWIRAN PA NA NAGBIBIRO LANG AT SASABIHAN PA ANG MGA NA KUMONTRA SA BULOK NIYANG SALITA NA HINDI DAW NAKUHA YUNG BIRO NIYA NA HINDI NARARAPAT SA ISANG TULAD NIYA NA MAGSALITA NA PARANG KANTO BOY.

      SA ISANG BANDA, SIYA ANG NAGPALAKI NG USAPIN, WALANG KINALAMAN SA APPOINTMENT ANG TANONG NIYA, MATUTO SIYANG MAGING KAGALANG GALANG KUNG GUSTO NIYANG IGALANG SIYA NG IBA.

      1. Nagapologized na siya kahit hindi dapt pagutuunan ito ng pansin. Pero yong pahbiin sayang lang panahon dahil mayroon pang makabulahan na dapat gawin.

  3. Ganyan ang buhay.minsan may karma. Walang pinagkaiba na pinalaki rin. sa pilit nyang pag sampa ng kaso kay delima sa pag advice kay dayan dahil ikakapahamak ng kanyang sarili