Na-engkanto umano ang isang binata kung kaya’t nangati at sobrang namaga ang ari nito at iminungkahi ng doktor na tumingin na putulin na lang, sa Barangay Palale, Banga, Aklan.
Napag-alaman na halos isang buwan nang naka-confine sa Aklan Provincial Hospital ang biktimang si Elon Peralta, 32, ng naturang lugar, sapul nang mamaga ang ari nito.
Hindi pa rin naman matukoy ng mga doktor kung ano ba ang tunay na dahilan bakit nagkaganoon ang ari ng biktima kaya patuloy pa rin itong sinusuri. Pero may hinala na ang mga magulang nito na na-engkanto ang kanilang anak.
Sinasabing bago nangati at namaga ang ari ang biktima ay naglinis ito ng mga damo sa isang palayan at kalaunan ay nakaramdam na nga ito ng kakaiba sa kanyang ari.
Kinamot umano nang kinamot ng biktima ang kanyang ari hanggang sa magkasugat ito sa dulo na kanya namang pinabayaan lang, hanggang sa nagkaimpeksyon na, dahilan para mamaga ito nang husto.
Iminungkahi narin ng doktor na putulin na lang ang ari ng binata upang mapigilan umano ang paggapang ng pamamaga at ng mga sugat sa katawan ng biktima na sinasabing uri na ng cancer dahil sa penile carcinoma.
Sakaling maputol ang ari ng 32-anyos na binata ay maliit na ang tsansa o mawawalan na ito ng pag-asang makapag-asawa pa.