Naagawan ng girlfriend

Dear Dream Catcher,

Ano po ibig sabihin nanaginip ako na nakikipagtalik ako sa girlfriend ko tapos may dumating bigla na isang lalaki. Iyon ang lalaking nagkagusto sa kanya. Pagkatapos nakita ko na lang sa panaginip ko na magkasama sila at naging sila na. Nakipaghiwalay na daw sa akin ang girlfriend ko.

May isang pa po akong panaginip tungkol din sa girlfriend ko. Napanaginip ko na naririnig ko raw ang boses ng girlfriend ko at parang may iba siyang ka-sex. Ano po ang ibig sabihin ng mga ganitong panaginip?

Darwin

Dear Darwin,

Ang iyong mga panaginip na tungkol sa girlfriend mo at tungkol sa pagi­ging unfaithful niya sa iyo ay malinaw na nagpapakita ng mga insecurity. At maaaring nasa isip mo lamang ito.

Kinakain ng pagseselos ang isip mo at posibleng hindi mo ito masabi sa girlfriend mo kaya pilit na lumalabas sa panaginip mo. Posible rin namang alam ito ng girlfriend mo pero hindi mo pa rin maalis ang iyong mga insecurity sa inyong relasyon.

Ang topic ng iyong panaginip na ang girlfriend mo ay napunta sa ibang lalaki partikular sa lalaking nagkakagusto sa kanya ay mensahe ng iyong subconscious. Ito ang unang-una mong ikinatatakot na mang­yari sa inyong relasyon.

Malinaw din na wala kang tiwala sa iyong girlfriend. Kung sasabihin mong may tiwala ka sa kanya,­ kailangan sa sarili mo mismo ang mabura mo ang mga ganitong paghihinala. Hindi mo man aminin sa sari­li mo ay sadyang nakakaramdam ka ng pagka-insecure. Hanggang hindi mo ito naaalis, hanggang hindi nagiging buo ang tiwala mo sa iyong mahal, patuloy kang mahihirapan.

Sa isang relasyon ay hindi healthy ang nararamdaman mo. Puwede mo itong i-discuss sa iyong girlfriend sa maayos na paraan para matahimik ang isip mo at para mawala ang pagdududa mo. Nagiging unfair ka sa kanya kung patuloy kang makakaramdam ng pagdududa.

Dream Catcher

***

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panagi­nip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto­ o anumang ispiritwal na aspeto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang pana­ginip, mag-email sa abantedreamcatcher­@gmail.com