Nabalasang draw no problemo kay Lariba

table-tennis-ian-lariba

Hindi nabagabag si Ian Lariba sa biglaang pagbabago nang unang makakahambalusan, hinirit na maski sino pa’y nakahanda siya sa pagpalo ngayon (Manila time) ng table tennis women’s singles competitions sa Rio Olympics.

Unang paddewielder na hahampas para sa Pilipinas sapul nang maging Olympic sports and table tennis noong 1998 sa Seoul, South Korea, nakakintal na sa kukote ni Lariba, 21 at tubong Cagayan de Oro City, na si Adriana Diaz ng Puerto Rico ang kanyang unang makakatuos base sa nalaman niya nang dumating sa Rio noong July 23.

Na-reshuffle ang draw, si world No. 125 Han Xing ng Congo na ang unang makakahambalusan ni Lariba. Palaging kapraktisan ng world No. 279 Filipina netter si Xing sa Rio.

“My new opponent is from Congo and is actually naturalized. She’s Chinese. She’s my sparring partner here because like me, she’s the only entry for table tennis for her country.

Small world,” sambit ng malumanay magsalitang si Lariba pagkaalmusal kahapon. “It’s okay having her as training partner but in the actual match everything will change.”