WEHHHHH: Simula na ng Cinemalaya ngayon at mauuna na silang magpalabas ng pelikula ni Mikhael Red na Birdshot na magkakaroon ng commercial run sa Pista Ng Pelikulang Pilipino.
May kinalaman sa Cinemalaya at Pista Ng Pelikulang Pilipino ang direktor na pipitikin ko ngayon.
Nagsimula siya sa isang entry sa Cinemalaya na medyo leaves much-to-be-desired pero OK na rin dahil mahuhusay ang mga aktor na nakuha niya.
He went on to do films na so-so rin lang ang kinalabasan. Never pa siyang nanalo ng Best Director award, and the closest is an Urian nomination.
OK na sanang entry point ‘yun sa isang big film company para kunin siya sa isang project.
Tinulungan siya ng isang premyadong direktor para makapasok at makagawa ng pelikula sa malaking kumpanya.
Ang siste, pagkatapos mag-pitch ng istorya ay pinag-revise siya ng kuwento dahil hindi pa ganoon kaganda at kailangan pang kinisin ang malaking parte nito.
Nag-sequence treatment, pina-revise. Nag-first draft, ang PANGET daw talaga.
KULANG PA at sana naging open na lang siya sa mga komento at pagbabago dahil handa siyang tulungan ng mga nagrekomenda sa kanya.
Pero ang sagot niya ay TAKE IT OR LEAVE IT. HINDI RAW ‘YON ANG VISION NIYA.
So, mukhang ligwak na ang project niya.
Leave it na lang to experience — kaysa matulad sa pelikula niyang hopia sa Pista Ng Pelikulang Pilipino na hindi nakapasok dahil hilaw.
At ano na ba ang nangyari sa nahilaw at nabantilawan na ring launching film ng isang natansong komedyana?
Sayang ang Kamay ni Hilda na dating may magic bilang florist pala.
Ngayon, hindi na flower ang hinahawakan ni Direk.