Patay ang isang lalaki makaraang madaganan­ ng gumuhong pader na kanyang ginawang tirahan sa Quezon City, kahapon ng hapon.

Nakilala ang biktima na habang isinusulat ang balitang ito ay hindi pa rin nahuhukay ng pinagsanib na puwersa ng Quezon City Police District (QCPD), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Bureau of Fire Protection (BFP) na nakilalang si Archie Contact, 27, naninirahan sa Brgy. Maria­na ng nasabing lungsod.

Base sa inisyal na ulat, alas-dos ng hapon ng mangyari ang insidente habang nasa kasagsagan ng pagbuhos ng ulan.

Lumilitaw na mag-isang naninirahan sa ginawang kubol ang biktima sa gilid ng pader ng isang private lot sa nasabing barangay nang mangyari ang trahedya.

Tinatayang may taas umanong 20 talampakan at may habang 800 square meters ang nasabing pa­der na naging dahilan ng pagguho nito.