Isang lalaki ang nasawi makaraang aksidente umano itong mabaril ng kanyang tiyuhin kahapon ng hatinggabi sa Mandaluyong City.

Kinilala ang biktimang si Arnel Pabunot, 28, ng Welferville Compound, Barangay Additionhills, na napuruhan dahil sa tinamong tama sa balakang.

Samantala pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na nakilala sa alyas na ‘Junior Onse’, residente rin ng lugar, at tiyuhin ng nasawi.

Sa inisyal na imbestigasyon ni SPO2 Emmanuel Ermino ng Mandaluyong PNP (Philippine National Police), naganap ang insidente dakong alas-12:35 ng hatinggabi sa Blk. 5 ng Welferville Compound nang big­la umanong pumutok ang baril ng suspek kung saan tinamaan ang sarili nitong pamangkin.