Nabitin sa love scene: Dixson humirit ng ‘isa pa’ kay Aga

Sa isang dance o sayaw ikinumpara ni Alice Dixson ang love scene nila ni Aga Muhlach sa pelikulang “Nuuk” na kinunan sa autonomous country of Greenland.

Very well done ang description ni Alice sa kanilang intimate scene, na ang pabirong sabi niya kay Aga ay, “Gusto ko (‘yung love scene). Ulitin natin. Ha! Ha! Ha!”

“Kulang nga, eh!” sambit naman ni Aga.

“Kulang ba? O, ulitin natin,” hirit ulit ni Alice.

Ani Aga, sa mga iba niyang nagawa ay kulang ‘yung love scene nila ni Alice, pero hindi raw tungkol doon ‘yung pelikula.

“Kulang nga. Parang ‘yun na ‘yon?!” pakli ni Aga.

Nang ipa-describe pa ito kay Alice, ang sabi ng magandang aktres ay may bed at mainit.

“It was passionate, actually. It was tender, it was passionate, it was longing.”

Dagdag niya pa, ang ganda raw ng katawan ni Aga nu’ng time na gawin nila ang movie dahil very fit ito.

Sa Dakak pala kinunan ang love scene nila at hindi sa Nuuk na capital ng Greenland. Patingin-tingin lang daw si Aga kay Alice at nag-iimadyin lang nu’ng nasa Nuuk sila.

Pareho nang 50-anyos this year sina Aga at Alice. Ang sabi nila ay una silang nagkasama sa pelikulang “Joey Boy Munti” (1991) na sinundan ng “Sinungaling Mong Puso” (1992) na hindi sila magkapareha, pero mas nauna pala silang nagkatrabaho sa “Hot Summer” (1989) na dinirek ni Mel Chionglo.

Ang sabi ni Alice, Aga has always been a good actor, kaya humahabol daw siya rito nang gawin nila ang “Nuuk”.

Sey naman ni Aga, dati ay hindi sila nagkakausap ni Alice sa set ng movie nila, unlike ngayon. So, feeling daw nila ay first time nila itong magka-work together.

Ayon kay Alice, kahit 50 na siya, she feels the same. The body changes ang the mentality, pero as a person daw ay ganu’n pa rin. Bilang Leo ay pareho raw silang stubborn at introvert at home ni Aga.

Ayon sa guwapong aktor, he is at his most happiest, most comfortable, and most content now sa buhay niya.

Napagdaanan na raw niya lahat, pero nandito pa rin siya at gumagawa pa rin ng mga pelikula. May filmfest movie pa siya sa December.

“‘Yung katawan mo, nag-iiba talaga. Punyeta. Lahat ng workout gagawin mo, tapos pagkain mo, isang kain lang, parang 20 lbs. na ‘yung kinain mo. Anyway, never surrender. Laban lang!” bulalas ni Aga.

Alice plays a Filipina na nagkaroon ng asawang Danish at nakatira sa Nuuk. Si Aga naman ay isang mysterious guy na nakilala roon ng karakter ni Alice at naging confidant nito.

Psycho-thriller ang tawag ng Viva Films sa pelikula at sobrang galing daw dito nina Aga at Alice, sabi ng direktor nila na si Direk Roni Velasco. Nakakagulat daw ‘yung ending nito, na lahat ay ginawa ng dalawang bida ng pelikula.

Sa November 6 ang showing ng “Nuuk” in cinemas nationwide.

Mrs. Universe Charo, Joaquin sanib-puwersa sa adbokasiya

Nanghinayang pala ang cutie pie son ni Manila Mayor Isko Moreno na si Joaquin Domagoso o JD na hindi siya natuloy na maging part ng cast ng teen-oriented soap opera na “Prima Donnas”.

‘Yung schedule ni JD ang naging problema kaya hindi siya natuloy dahil hindi ito swak sa taping ng nasabing afternoon serye.

Gusto pa naman daw sana itong gawin ng 17-anyos na binata dahil na-meet na niya ang stars ng “Prima Donnas” sa pangunguna ni Jillian Ward, so na-excite siyang maging part ng show.

Kaya lang ay may pasok siya sa school ng weekdays at hindi naman puwedeng mag-adjust sa sked niya ang taping. ‘Yung movie na ginawa niya ay nag-adjust daw sa sked niya kaya natapos niya ito.

Importante raw kay Joaquin ang pag-aaral niya at kahit nagsu-showbiz na siya ay hindi niya ito pababayaan.

1st year college na siya taking up Business Entrepreneurship, pero sa itsura niya ay napagkakamalan pa rin daw siyang high school.

Sa October 24 ang 18th birthday ni bagets at puwede na siyang mag-drive, mag-vote at mag-drink responsibly bilang legal na siya.

Kasama nga pala si JD sa advocacy ng panlaban natin sa Mrs. Universe Finest Woman 2019 na si Charo Laude sa pagtulong sa mga Manilenyo.

Magga-gather daw ng mga SK at sama-sama silang tutulong sa iba’t ibang barangay, mamimigay ng medicines at kung ano-ano pa.

Bukod sa charity project nilang ito ay magkasama rin sina Joaquin at Charo sa first movie ni JD na “Jolly Spirit Squad”.

Aspiring entry sa December filmfest ang nasabing barkada movie na tampok ang mga baguhang artista na karamihan ay alaga ni Daddie Wowie Roxas gaya nina JD at Charo.