Naboa, Benilde ginarote ang Baste

basketball

Sabuwatan sina Unique Naboa at Chris Flores para sa comeback game ng College of Saint Benilde Bla-zers mula sa 1-points down sa halftime sa kabila na wala pa ang injured na si Justin Gutang para matimbog ang San Sebastian College, 77-72, sa FilOil F­lying V Centre sa San Juan.

Pumasada si Naboa ng 15 points samantalang 14 markers ang nilingkis ni Flores para akbayan ng CSB Blazers sa top spot sa fourth straight win sa gayung game game ang idle defending champion San Beda University, kasabay sa paghaltak pababa sa Baste sa tie sa fifth kakartada sa 2-3 ang Jose Rizal University.

Limang puntos ni Naboa lahat sa free throws ang nagbigay ng 5-puntos na kalamangan sa Taft-based cagers, na nakahugot pa ng 12 points at 12 rebounds kay Cameroonian reinforcement Clement Leutcheu , may 12 din si James Pasturan at 10 puntos si Haruna Yankie.

‘Di naman sumapat ang pagpupunyagi nina RK Ilagan at Allyn Bulanadi, naka-24 at 17 pts, sa luhaang kampo. (Aivan Denzel U. E­piscope)