Nabong bad trip sa talo ng SMB

Nabong bad trip sa talo ng SMB

Maganda na ang inilaro ni Kelly­ Nabong, pero nauwi sa wala nang tumukod ang San Miguel Beer sa Columbian sa overtime 134-132 Linggo ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Naiwan ng hanggang 84-70 sa third ang Beermen, ibinalik ni Von Pessumal at dinikit sa 88-82 papasok ng fourth quarter.

Inumpisahan ni Nabong ang final period sa kinamadang walong sunod na puntos na kinapalooban ng back-to-back 3s para panatilihin sa laro ang SMB.

Ipinasok ni coach Leo Austria si Nabong 8 seconds na lang sa third, pagdating ng fourth ay kumayod agad ang 6-foot-6 bruiser para tumapos ng 8 points mula sa perpektong 3 of 3 shooting sa loob ng 7:20.

“That’s my job. If I see the team give in or we are up, keep the momentum or try to uplift the team,” ani Nabong.

Tumapos si Pessumal ng 15 points, lahat mula sa labas ng arc.

Itinabla ng tres ni Arwind Santos ang laro sa 118-118 para makapuwersa ng overtime, pumukpok pa ang Beermen sa extra frame bago tumukod.

“Too bad we didn’t come away with the ‘W’. I’ll be lying if don’t say I’m disappointed,” dagdag ni Nabong.

Nasa 10th place ng PBA Commissioner’s Cup ang San Miguel sa 2-5 kabuhol ang Dyip, pero ‘di nawawalan ng pag-asa si Nabong. (Vladi Eduarte)